I. PANIMULA
         Ang akdang "munting alaala" ay isinulat ni Aura. Isinulat ito upang ipaalala sa atin ang mga bagay na nakalimutan na nating gawin.

II. PAGSUSURING PANGNILALAMAN
       A. Tema o Paksa
                  Ang naging tema o paksa ng akdang "munting alaala" ay ang pag-alala sa dati nating ginagawa na nakakalimutan na natin.



       B. Simbolismo
                   Ang akdang ito ay inihahantulad ko sa ating mga laruan na kapag hindi na natin kailangan ay kinakalimutan na lamang ito.


        C. Uri
                   Para sa akin ito ay isang pormal na sanaysay dahil ito ay binigyan ng masusing pag-aaral ng manunulat.


        D. MAGANDANG PAGPAPAHAYAG
                    Nakalimutan na nga ba ng tao ang mga kaligayahang inihain sa kanilang kalikasan, at lumikha sila ng maliit na mundo sa gitna nang napakalaking mundong ito.


III. PAGSUSURING PANGKAISIPAN
          A. Mga pahiwatig at mga kahulugan nito.
                     Sa dami ng kanilang mga ginagawa tila napakarami na nilang nalimutan na mga bagay, mga pinalampas na pagkakataon o oras.


          B.Mga aral at implikasyon
                    Ang natutuhan ko sa akdang ito ay dapat pa rin nating alalahanin ang mga bagay na ginagawa natin dati.



          C. Kalakasan at Kahinaan ng Pagkasulat
                      Wala akong nakitang mali sa pagsulat ng sanaysay na ito dahil naipaliwanag at natalakay ng maayos ng manunulat ang kaniyang paksa.
 
I. PANIMULA
          Ang akdang "iba ang pinoy" ay isinulat ni Princess O. Canlas. Isinulat ito upang ipakita na ang mga Pilipino ay mayroong iba't-ibang kakayahan.

II. Pagsusuring Pangnilalaman
         A. Tema o Paksa 
                      Ang naging tema o paksa ng akdang "iba ang pinoy" ay ang ating pagiging matulungin, magalang, mabait, mapagbigay, mapagpaumanhin, mapagtimpi at mapang-unawa.

         B. Simboliso
                      Ang akdang "iba ang pinoy" ay inihahantulad ko sa ating mga magulang na dapat nating ipagmalaki.



          C. Uri
                     Sa aking palagay ito ay isang di-pormal na sanaysay dahil alam na natin kung ano ang iba't-ibang katangian ng mga Pilipino.


          D. Magandang Pagpapahayag
                        Mapapansing hanggang sa kasalukuyan na ang pinoy ay may kusang loob na pagtulong sa mga taong nasa kaniyang paligid, kilala man niya ang mga ito o hindi.


III. Pagsusuring Pangkaisipan
            A. Mga pahiwatig at mga kahulugan nito
                          Ang pagkakawanggawa ay may taglay na iba't-ibang katangian. Sapagkat ang taong mapagkawanggawa ay masasabi ring matulungin sa kapwa, magalang, mabait, mapagbigay at ang lahat ng ito ay makikita sa mga Pilipino.
 
           B. Mga aral at implikasyon
                         Nalaman ko ang iba't-ibang katangiang taglay ng mga Pilipino na mayroon hanggang sa kasalukuyang panahon.


           C. Kalakasan at Kahinaan ng Pagkasulat
                          Naibahagi ng manunulat ng maayos ang mga katangiang taglay ng mga Pilipino at ang kahinaan naman ay hindi masyadong maintindihan ang ibang mga salita.
 
I. PANIMULA
           Ang akdang "ang ningning at ang liwanag Emilio Jacinto" ay isinulat upang ipadating sa atin kung ano ang masamang hatid ng ningning at ng liwanag.

II. PAGSUSURING PANGNILALAMAN
       A. Tema o Paksa
                   Ang naging tema o paksa ng akdang "ang ningning at ang liwanag Emilio Jacinto" ay kung ano ang pagkakaiba ng ningning at ng liwanag.


       B. Simbolismo
                   Ang akdang ito ay inihahantulad ko sa isang bubog na akala natin ay isang maliit ng dumi lamang ngunit 'di natin alam na ito ay nakakasakit.


        C. Uri
                   Sa aking palagay ito ay isang pormal na sanaysay dahil masusing pinag-aralan ng manunulat ang kaniyang paksa.


        D. Magandang Pagpapahayag 
                      Ang ningning ay nakakasilaw sa ating paningin. Ang liwanag ay kinakailangan ng mata, upang mapagwari ang buong katunayan ng mga bagay-bagay. Ibig sabihin nito ay dapat huwag tayong mabighani sa ningning.


III. Pagsusuring Pangkaisipan
           A. Mga pahiwatig at mga kahulugan nito
                        Ang kaliluhan at ang katalampasanan ay humahanap ng ningning upang huwag mapagmalas ng mga matang tumatanghal ng kanilang kapangitan.


           B. Mga aral at implikasyon
                         Ang aking natutuhan ko ay dapat huwag agad tayong mabighani sa isang bagay na hindi naman natin alam kung ano ito.


           C. Kalakasan at Kahinaan ng Pagkasulat
                         Wala naman akong nakitang mali sa ginawa ng manunulat dahil ang lahat ay tama.
                      




             
                  
 
I. PANIMULA
        Ang akdang ito ay isinulat upang ipaliwanag kung ano ang pag-ibig.

II.Pagsusuring Pangnilalaman 
       A. Tema o Paksa
                Ang naging tema o paksa nito ay ang tunay na pag-ibig ay walang ibubunga kundi ang tunay na ligaya at kaginhawahan.

       B. Simbolismo
                Ang akdang ito ay inihahantulad ko sa isang rosas na pwede kang masaktan kapag ikaw ay natinik nito.
 
       C. Uri
                Sa aking palagay ito ay isang pormal dahil masusi niyang pinag-aralan at sinaliksik kung ano ang pag-ibig.

       D. Magandang Pagpapahayag
                  Sa lahat ng damdamin ng puso ng tao ay wala ng mahal at dakila na gaya ng pag-ibig.

III. Pagsusuring Pangkaisipan
          A. Mga pahiwatig at kahulugan nito
                     Ang tunay na pag-ibig ay walang ibubunga kundi ang tunay na ligaya at kaginhawahan. Ang ibig sabihin nito ay kapag tayo ay nagmahal tayo ay punong-puno ng ligaya at kaginhawahan.
       
          B. Mga aral at implikasyon
                     Ang aking natutuhan sa akdang ito ay dapat huwag tayong mabulag sa pagmamahal sa isang tao.
 
          C. Kalakasan at Kahinaan ng Pagkasulat
                     Naipaliwanag niya ng maayos ang pag-ibig at ang kahinaan ay hindi masyadong maintindihan ang ibang mga salita.     
 
I. PANIMULA
        Ang akdang "ang paghalik ng kamay" ay isinulat dahil gusto niyang ipaliwanag na ang paghalik sa kamay sa mga matatanda ay isang matandang kaugalian sa Pilipinas na ginagawa pa rin hanggang ngayon.


II. PAGSUSURING PANGNILALAMAN
       A. Tema o Paksa
                 Ang naging tema o paksa ng akdang "ang paghalik ng kamay" ay ang pagsunod sa mga payo at tagubilin ng mga magulang.


       B. Simbolismo
                 Ang akdang "ang paghalik ng kamay" ay inihahantulad ko sa batas sapagkat ating itong iginagalang tulad ng ating paggalang sa ating mga magulang.
        
       C. Uri
                Sa aking tingin ito ay isang di-pormal na sanaysay sapagkat alam na natin na ang paghalik sa kamay ng mga matatanda ay isang matandang kaugalian sa Pilipinas na ginagawa pa rin ng ilan sa atin.


       D.Magandang Pagpapahayag
                Ang pahayag dito ay; Ang kabutihan lamang ang lagin hinahangad ng mga magulang sa kanilang mga anak, kaya't ang paghalik ng kamay ay pagpapakilala ng pagsunod sa mga payo ng mga magulang.


III. Pagsusuring Pangkaisipan
 
            A. Mga pahiwatig at mga kahulugan nito
                      Ang paghalik ng kamay ay pagpapakilala ng pagsunod sa mga payo ng mga magulang.
          
            B. Mga aral at implikasyon
                       Ang aral na aking natutuhan sa akdang ito ay sa pamamaitan pala ng paghalik sa kamay ay nagpapakilala ng kabutihang asal ng isang anak.


            C. Kalakasan at Kahinaan ng Pagkasulat
                       Ang kalakasan ng akdang "ang paghalik ng kamay" ay naipaliwanag niya ito ng maayos at ang kahinaan naman nito ay masyado ng literal.
 
I. PANIMULA
      
      Ang akdang "kartilya ng katipunan" ay isinulat ni Emilio Aguinaldo. Isinulat ang akdang ito ay upang sundi ng mga tao ang mga kautusan na gabay para mapanuto ang buhay nila.


II.PAGSUSURING PANGNILALAMAN


     A. TEMA O PAKSA
          
                 Ang naging paksa/tema ng akdang "katilya ng katipunan" ay ang mga salik na dapat gawin ng mga tao sa kanilang buhay.


    B. URI


                Para sa akin ang akdang ito ay isang pormal dahil ito ay nabigyan ng isang masusing pag-aaral tungkol sa paksa ng manunulat.


     C. MAGANDANG PAGPAPAHAYAG


                 Ang magandang pahayag sa akdang ito ay: huwag ipagwalambahala ang mga kautusan na gabay para mapanuto ang buhay dahil sa pamamagitan nito ay maiisip ng mga tao kung ano ang mga dapat nilang gawin sa kanilang buhay.


III. PAGSUSURING PANGKAISIPAN


      A. MGA PAHIWATIG AT MGA KAHULUGAN NITO


            Ang naging pahiwatig ng akdang ito ay dapat na isipin muna ng mga tao ang dapat na isaayos sa kanilang buhay upang maging maayos nila ang mali nilang nagawa.


      B. MGA ARAL AT IMPLIKASYON


             Ang naging aral sa akdang "kartilya ng katipunan" ay dapat na huwag nating ipagwalambahala ang mga kautusan na gabay para mapanuto ang buhay.


      C. KALAKASAN AT KAHINAAN NG PAGKASULAT


             Ang kalakasan sa pagkasulat ng akdang ito ay maraming matutunan ang mga tao kung ano ang iba't-ibang salik na dapat gawin ng mga tao at ang kahinaan naman nito ay ang ibang mga salita ay malalalim.

    Author

    Write something about yourself. No need to be fancy, just an overview.

    Archives

    February 2013

    Categories

    All


alyssa nicole