I. PANIMULA
          Ang akdang "iba ang pinoy" ay isinulat ni Princess O. Canlas. Isinulat ito upang ipakita na ang mga Pilipino ay mayroong iba't-ibang kakayahan.

II. Pagsusuring Pangnilalaman
         A. Tema o Paksa 
                      Ang naging tema o paksa ng akdang "iba ang pinoy" ay ang ating pagiging matulungin, magalang, mabait, mapagbigay, mapagpaumanhin, mapagtimpi at mapang-unawa.

         B. Simboliso
                      Ang akdang "iba ang pinoy" ay inihahantulad ko sa ating mga magulang na dapat nating ipagmalaki.



          C. Uri
                     Sa aking palagay ito ay isang di-pormal na sanaysay dahil alam na natin kung ano ang iba't-ibang katangian ng mga Pilipino.


          D. Magandang Pagpapahayag
                        Mapapansing hanggang sa kasalukuyan na ang pinoy ay may kusang loob na pagtulong sa mga taong nasa kaniyang paligid, kilala man niya ang mga ito o hindi.


III. Pagsusuring Pangkaisipan
            A. Mga pahiwatig at mga kahulugan nito
                          Ang pagkakawanggawa ay may taglay na iba't-ibang katangian. Sapagkat ang taong mapagkawanggawa ay masasabi ring matulungin sa kapwa, magalang, mabait, mapagbigay at ang lahat ng ito ay makikita sa mga Pilipino.
 
           B. Mga aral at implikasyon
                         Nalaman ko ang iba't-ibang katangiang taglay ng mga Pilipino na mayroon hanggang sa kasalukuyang panahon.


           C. Kalakasan at Kahinaan ng Pagkasulat
                          Naibahagi ng manunulat ng maayos ang mga katangiang taglay ng mga Pilipino at ang kahinaan naman ay hindi masyadong maintindihan ang ibang mga salita.



Leave a Reply.

    Author

    Write something about yourself. No need to be fancy, just an overview.

    Archives

    February 2013

    Categories

    All


alyssa nicole