I. PANIMULA
        Ang akdang "ang paghalik ng kamay" ay isinulat dahil gusto niyang ipaliwanag na ang paghalik sa kamay sa mga matatanda ay isang matandang kaugalian sa Pilipinas na ginagawa pa rin hanggang ngayon.


II. PAGSUSURING PANGNILALAMAN
       A. Tema o Paksa
                 Ang naging tema o paksa ng akdang "ang paghalik ng kamay" ay ang pagsunod sa mga payo at tagubilin ng mga magulang.


       B. Simbolismo
                 Ang akdang "ang paghalik ng kamay" ay inihahantulad ko sa batas sapagkat ating itong iginagalang tulad ng ating paggalang sa ating mga magulang.
        
       C. Uri
                Sa aking tingin ito ay isang di-pormal na sanaysay sapagkat alam na natin na ang paghalik sa kamay ng mga matatanda ay isang matandang kaugalian sa Pilipinas na ginagawa pa rin ng ilan sa atin.


       D.Magandang Pagpapahayag
                Ang pahayag dito ay; Ang kabutihan lamang ang lagin hinahangad ng mga magulang sa kanilang mga anak, kaya't ang paghalik ng kamay ay pagpapakilala ng pagsunod sa mga payo ng mga magulang.


III. Pagsusuring Pangkaisipan
 
            A. Mga pahiwatig at mga kahulugan nito
                      Ang paghalik ng kamay ay pagpapakilala ng pagsunod sa mga payo ng mga magulang.
          
            B. Mga aral at implikasyon
                       Ang aral na aking natutuhan sa akdang ito ay sa pamamaitan pala ng paghalik sa kamay ay nagpapakilala ng kabutihang asal ng isang anak.


            C. Kalakasan at Kahinaan ng Pagkasulat
                       Ang kalakasan ng akdang "ang paghalik ng kamay" ay naipaliwanag niya ito ng maayos at ang kahinaan naman nito ay masyado ng literal.



Leave a Reply.

    Author

    Write something about yourself. No need to be fancy, just an overview.

    Archives

    February 2013

    Categories

    All


alyssa nicole